Sino ba sa mga kandidato ang may plataporma na kagaya ni Duterte at Cayetano? Number one ay sugpuin ang droga, halos lahat ng krimen ay dahil sa droga. Bakit ang dami ng rape cases, bata matanda napapabalitang na re rape? Dahil sa droga nag iiba ang pag uugali ng tao dahil lango sa droga, tamad at walang magawa sa buhay. Laging mapaghanap para matustusan ang bisyo. Sino sa mga kandidato ang seryoso para masugpo ang mga supplier nito si Duterte lang ang malakas ang loob na sugpuin ito. Criminality will surely decline and people will enjoy peace and comfortable life, for sure it will not be totally eradicated but at least hindi na garapal. Mismong mga kapulisan pa ang mga nangunguna sa mga krimen na yan, nakakatakot dahil sila ang may baril. Tsk... tsk... abuse of power ika nga. Malalakas ang loob ng mga kapulisan na gumawa ng krimen dahil walang ginagawa ang gobyerno, no political will to stop criminality. The root of all evil are drugs and criminality sobra na. Recently yung babaeng sinilid sa drum, hinubaran para iligaw ang imbestigasyon na kunwari sex related crime sino sino ang involved doon? Mga pulis at marami na pala silang ginawang mga karumal dumal na killings, sideline ika nga. Napaka mura ng buhay ng tao ngayon me pera ka at sa wala ganun ganun na lang napakadaling pumatay ng tao, wala ng Diyos at walang batas na nirerespeto. Subukan natin ang berdugong si Duterte magbakasakali na tayo hindi pa naman huli ang lahat para sa ikaunlad ng bayan.
Eto pa, ano ito? sa kalagitnaan ng pagbabatikos sa kahinaan ng loob ng namumuno sa gobyerno, bakit nakapag piyansiya pa itong plunderer na ito? Philippines is going down the drain, where is justice here? Pagkatapos me naniniwala pa rin sa gobyerno natin, they are just the same people, the same party, the same s--t who will govern the next 6 years in the Philippine politics, paano na ang bansang Pilipinas wala na bang katapusan ito? Nakakapagod na at nakakasawa na. Nakakabilib ang lakas ng loob at walang kahihiyan sa lipunan ng babaeng ito. Hindi pa nakatapos ng kolehiyo pero ang guts pambihira, baka akala niya di siya makukulong dahil mga mambabatas at politico mga kadikit niya. Hindi ko alam kung aayon ako sa death penalty, minsan napag iisip ako para lang matuldukan na ang mga abusado sa gobyerno. Hindi na ba tayo pwedeng gumawa ng tama na ang maraming tao ang makikinabang lalong lalo na ang mga mahihirap? Hindi pa naman ako nagsasawang mangarap hanggat may Duterte pa tayong nasisilip na pag asa ng bayan. Sana din matupad niya ang pangako niyang pagbabago. Sana lang, sana lang.
![]() |
| Jhen Seba's photo |
